Ang mahjong ba ay ilegal sa Pilipinas

Ang mahjong ba ay ilegal sa Pilipinas

Noong ika-20 siglo, kumalat sa buong mundo ang larong MAHJONG. Ito ay nabuo sa Tsina sa panahon ng Qing Dynasty. Ang larong ito ay unang ibinenta sa US noong 1920s at naging popular sa huling dekada.

Ano nga ba ang Mahjong? 

Ang Mahjong ay isang tile-based na laro. Ito ay karaniwang nilalaro ng tatlo hanggang apat na manlalaro depende sa variation o lugar kung saan ito nilalaro. Dito sa Pilipinas, apat ang manlalaro sa Mahjong. Sa ibang bansa naman ay may mga variation ng tatlong manlalaro na matatagpuan sa Japan, South Korea, at Southeast Asia. Maraming pagkakaiba-iba sa gameplay ng Mahjong depende sa iba’t ibang bansa.  

Ang Mahjong ay isang pagsusugal, hindi ito simpleng laro lamang. Ipinagbawal pa nga ito sa Tsina noong 1949, ngunit naibalik ding muli pagkatapos ng Cultural Revolution noong 1976. 

Ang Mahjong ay malawakang nilalaro sa buong Asya, lalong lalo na sa Silangang Asya at Timog Silangang Asya. Ito ay naging libangan at materyal ng isang kulturang Asyano, kung kaya ito ay naging popular sa palipasan ng oras at aliwan ng mga bansa sa Kanluran at kung saan saan pang sulok ng mundo.

Dahil sa impluwensyang dala at kasikatan ng Mahjong ito ay inangkop sa isang malaganap na laro sa online world. Kagaya ito ng Western Card game rummy, kailangan sa laro ay kasanayan, mga diskarte at ang kagalingan sa pag kalkula.

ang-mahjong-ba-ay-ilegal-sa-pilipinas

Paano ito laruin?

Ang Mahjong ay nilalaro gamit ang 144 pirasong tile sa isang hanay at naka-batay sa karakter at simbolo ng Tsino, ngunit may mga naiiba ding karakter depende sa lugar o bansa. Mayroong inalis na karakter sa ibang lugar at mayroon din namang idinagdag ng mga natatanging tile. 

Ano nga ba ang pagkakaiba ng Mahjong dito sa Pilipinas at sa Classic Mahjong na nauso sa Tsina? Sa totoo, ang Classic Mahjong ay mas kumplikado at nakakalito kaysa sa Filipino Mahjong. May iba’t ibang functionality ang mga flower tiles, at hindi ka mananalo nang hindi nakakamit ang mga partikular na kundisyon na itinakda ng mga panuntunan.

Tayo ay mag focus na muna sa Mahjong na nilalaro dito sa Pilipinas. Ang Mahjong dito sa Pilipinas, lalaruin ng apat na manlalaro at kinakailangan mo lamang maglaro ng tradisyonal na Mahjong na binubuo pa din ng 144 na tile. Ang mga dapat gawin at tuntunin sa Filipino Mahjong ay masasabing pinakamadaling maunawaan sa lahat ng uri ng Mahjong.

Mga tile

Ang mga tile ay pinadali at pinasimple dito sa Pilipinas hindi tulad sa ibang bersyon ng Mahjong. Ang mga tiles ay binubuo ng Suited Tile at Flower Tile. Para sa mga nakakaalam sa iba’t ibang uri ng Mahjong, ang Flower Tile ay binubuo ng Flower, Season, Dragon, at Honor Tiles.

Wala namang seryosong layunin ang flower tiles sa Mahjong, at agad itong itinatabi kapag lumabas.

Ang mga Suited Tiles naman ay binubuo ng mga tiles na may mga numero, maaaring gamitin upang bumuo ng mga set, na mahalaga upang ikaw ay manalo sa Mahjong. 

Sa larong Mahjong, ang isang laro ay tumatagal ng apat na round, bagaman maaari itong palawigin depende sa flow ng laban. 

Turns o tira

May dalawang posibilidad ang bawat tira o turn ng bawat manlalaro. Ang manlalaro ay maaaring tumira/tumapon o kunin ang huling itinapon na tile. Dahil mauuna lagi ang dealer, dapat siyang gumuhit mula sa tile. Tatapusin ng manlalaro ang kanilang turn sa pamamagitan ng pagtatapon ng isang tile mula sa kanilang mga tiles. Ang turn na ito ay maaaring matigil sa pamamagitan ng dalawang pa. Una ay sa pamamagitan ng pagkapanalo at pangalawa ay sa pamamagitan ng pag draw o diga.

ang-mahjong-ba-ay-ilegal-sa-pilipinas

 Mahjong Rules

Narito ang mga tuntunin o patakaran sa Mahjong: 

  • Una, ang lahat ng mga tiles ay ilalagay at nilalatag ng nakaharap sa baba at binabalasa ito ng sabay sabay, pagkatapos ay itatayo sa isang apat na panig na wall o dingding.
  • Sa pamamagitan ng dice mag papasya ang dealer.
  • Ang lahat ng manlalaro ay magkakaroon ng 16 na tiles, simula sa pader ng dealer.
  • Ang dealer ay magsisimula sa pagtapon ng tile mula sa dingding at magtatapon din ng tile mula sa kanyang kamay.
  • Ang itinapon na tile ng dealer ay pwedeng kunin o nakawin ng isa pang manlalaro na may isang tawag.
  • Lalaktaw ang pagtira ng manlalaro na gumagawa ng tawag. 
  • Kung walang sinuman ang tatawag, ang pagtira ay magpapatuloy at ito ay pa-clockwise.
  • Matatapos ang laro kung makumpleto ng isang manlalaro sa kanyang kamay ang  5 sets at isang pares. 

Illegal ba o ipinagbabawal ang Mahjong sa Pilipinas? 

Dito sa Pilipinas, ang sugal ay karaniwang hinihigpitan ng pamahalaan. Gayunpaman, ang mahjong ay pinapayagan basta’t ito ay para sa kasiyahan at libangan lamang at iisang lamesa lamang. Subalit ito ay sinasabing pagsusugal kung may pustahan na kasama at ang laro ay nagiging mapagkukunan ng kita o napagkakaperahan na.Paano ako makakapag-laro ng Mahjong online?

Natatanging mga Mahjong Simulators online lamang ang may isang sikat na paraan para ma-enjoy ang laro nang walang abala sa pag-shuffling at pagbibilang ng mga tiles. Ang mga mobile apps ay isa ring magandang alternatibo kung gusto mong laruin ang laro sa iyong mobile phone.

Sa panahon ngayon, mas mainam kung ito ay gawin lamang libangan at gawin lamang ito online. Upang ang nakararami ay ligtas at hindi ito maging daan sa iyong pagkahawa ng sakit. Napakaraming online o offline games na nauuso. Maaari mo itong idownload na lamang sa iyong cellphone.

Alam nyo ba na mayroong nauusong Aplikasyon ngayon sa Android users? Nakakaaliw at ito ay may iba ibang laro sa iisang aplikasyon lamang. Ito ay ang aplikasyon na APO Casino – Tongits 777, Lucky 9, Pusoy Card. Ito ang pinakabagong kinahuhumalingan ng karamihan sa ngayon. Nakakalibang at talagang kapanapanabik ang mga laro dito. Karamihan ay mga card games na usong uso dito sa atin at sa ibang bansa. Hinding hindi ka magsisisi sa pag dodownload nito. Maaaring pumunta sa link na ito: 

Ano pa ang hinihintay mo? Simulan mo na maghanap ng kalaro at mag enjoy na sa paglalaro nito. Paalala lamang, play moderately!

dowload-apo-casino

Unti unti ng nakikilala ang app na ito. Hindi mo na kinakailangang pumunta sa casino. Pwedeng pwede kang maglibang kahit ikaw ay nasa bahay lamang.

Tandaan! Hinay hinay lamang sa paglalaro at siguraduhing ito’y libangan lamang.

Ang source: https://apocasino.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Mega Kaugnay na Post

Download